Another Side of ME

 HINDI KO MAIPALIWANAG
                Ewan ko ba. Basta, ibang iba yung pakiramdam ko simula kahapon. Lalo na kagabi. Ito na nga siguro yung tinatawag nila na little miracles. Pero para sakin, hindi lang ito basta simpleng maliit na maituturing na bagay o himala lang. Ang laki ng impact sakin.
                Kung di niyo maitatanung, simula ng nag aral ako dito sa Unibersidad ng Pilipinas . Nag iba na talaga ang mundo ko. Yung tipong di ko naman ito dinaranas dati eh. Maraming pagkakataon these past few days na hinang hina ako. Ahh! Napatype ako ng di oras dahil sa mga oras na ito, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sabi ko nga sainyo, hirap ako makacope up sa mga binigay sa akin na courses manapa’y alam niyo naman na bs math student ako. Di ko akalain na ganito kahirap eh. Na hahantong pa ako sa pag iyak dahil sa naibagsak kong dalawang magkasunod na quizzes sa favorite subject ko pa at pinaka mataas na bilang ng units na pinag aaralan ko.
                Naku! Ang hirap nga ng sitwasyon ko. Sa tuwing na aalala ko yung araw na nagtake ako ng quizzes na yun sa math 17. Para bang bumabalik ulit yung nararamdaman ko nung malaman ko na ang baba ng score ko. Tagos sakin! Sobra! Masakit kasi di ko expected na ganun ang mangyayari. Nasanay lang siguro ako masyado na parating pasado ang mga scores ko mapa- activity or exercises or exams pa yan.
                Hmm? May dahilan nga talaga si God kung bakit Niya ako pinag aral sa ganitong klase ng state university. Kahit hindi pa ganun ka clear sakin kung bakit at kahit ano pa man ang reason Niya, alam ko na makakabuti sakin ang mga ito. Alam ko na ito ang magiging daan para someday, maging successful ako though in the end, hindi lahat ng mga bagay na ito na pinaghihirapan natin eh , kailangan. Kasi darating at darating ang araw na kukunin ni God ang mga tao Niya na karapat dapat mapunta sa Kanyang Kaharian para pagsilbihan Siya at para na rin hindi na tayo makadanas ng mga pagsubok. Temporary lang kasi ang life natin dito sa mundo.
                Ang saya saya saya talaga sa feeling ni God! Di ko maexplain kasi para sakin may magic eh. Yung tipong di ako mapakali sa tuwa at ang gusto ko lang eh ipakita o iparamdam sa Kanya kung gaano ako ka bless dahil sa pinopour out Niyang graces, blessings at glory sa mga mananampalataya at mananamba Niya. Natutuwa ako.
                Kanina nga pala around 1:30 am. As in kanina lang, nagtext sakin si mama ko. Kinakamusta niya ako. Naiiyak tuloy ako. Hanggang ngayon. Kasi naman. Namimiss ko si mama pati na rin ang mga kapatid ko kahit pa makukulit mga yun, mahal na mahal ko pati na rin ang parati kong kaaway na kapatid na babae. Gusto ko na rin makita si lola. Yung text nga pala sakin ni mama kanina, bigla akong nakaramdam ng confidence. Nag serve kasi as encouragement yung mga salitang hatid sakin ni mama through text eh. Natuwa ako at ganun din na nalungkot. Naalala ko nung tumawag siya nung june 30 sakin. Di ko napigilang umiyak. Kasi naman eh. Nahihirapan ako. Kaya sabi ko sakanya na huwag siyang mag expect na magiging cum laude ako o mas mataas pa doon. Ayoko lang din kasi mag expect si mama ng sobra sobra kahit na gustong gusto ko makamtan yun bilang kapalit man lang sana ng lahat ng paghihirap niya sa amin para maibigay lang yung mga pangangailangan namin at syempre para lang mapag aral kami. Ni minsan, ayokong masayang yun.
                Pinangako ko kay mama na magkakaroon ako ng good grades. Yun. Sa ngayon, hanggang dun muna panghahawakan ko. Malayo man siya sa amin. Siya yung lakas ko. Idolo ko si mama ko eh. Balang araw, magiging katulad ko rin siya. Haaayy! Life nga naman oh? Sa winagas wagas ng pagtawa ko eh, ito ako habang nagtatype eh.. lumuluha na pala. Di ko mapigilan eh. Pasensya na.
                 To be honest, nakokonsensya ako sa tuwing di ako nag aaral. Ang unang una na pumapasok sa isip ko.. si mama. Kaya ayaw na ayaw ko siyang pinag aalala. Kung kaya ko nga lang magtrabaho habang estudyante pa ko’t nag aaral para man lang sana mabawasan kahit papaano ang gastos kahit man lang sakin eh, ginawa ko na. kaya lang, si mama na rin nagsabi. Mag aral lang daw ako. May punto nga naman si mama. Kaya mahal na mahal ko siya eh. Despite of may kasupladahan at parati ko siyang inaaway. Sa bandang huli, nagsisisi ako kung bakit ko yun ginawa sakanya.
                Thank YOU GOD! Dahil pinag kalooban mo ako ng isang napaka mabuting ina. Lumaki man akong walang ama. Okay lang sakin. Hindi labag sa kalooban ko yun. Tanggap na tanggap ko na. Tadhana na siguro ang nagsabi na magiging ganito ang sitwasyon ko pagdating sa pamilya. Masayang-masaya ako kung anuman ang meron ako ngayon.
                ILOVEYOU GOD! Di ko makakalimutan ang araw na ito. Dahil pinakitaan mo na naman ako ng miracle! Nahihirapan akong umintindi sa math 17 at math 20, pero ito Kayo binigyan ako ng wisdom para masagutan ko ang mga katanungan tungkol sa dalawang courses na kinukuha kong ito. God, kumpleto na ako Sainyo! You are my everything!  Laking pasasalamat ko po dahil lumapit Kayo sakin para iparating ang GOOD news Niyo! Thank YOU God sa pagtanggal ng pasan pasan kong burden. At sa pagsalo ng aking mga problema.
Smileyyyyyyyyyyyyyyyyy =)))))))
                Sa paglipas ng araw Lord, I want to know YOU more!
Lorie Mae Fabia Bautista
6th of July, 2012

1 comment:

  1. Sharing a piece of my diary <3 I hope it will also give you the feel to move on and look forward! :) Let's be strong! <3

    ReplyDelete